Ang Pag-back up at Pagbalik sa iyong wallet
Last updated
Last updated
Inilalarawan ng dokumentasyong ito kung paano ligtas na mag-back up ng iyong wallet file sa ligtas na imbakan kung sakaling nasira o nawala ang iyong kompyuter o laptop. Ang TWINS Core ay nag-iimbak ng lahat ng datos na kinakailangan para makontrol ang iyong mga TWINS address sa solong file na tinatawag na wallet.dat. Ang wallet na ito ay nasa format ng Berkeley DB at nag-iimbak ng mga pares ng pribado/publikong mga cryptographic key na ginamit para pamahalaan ang iyong mga balanse sa TWINS blockchain.
Una, wag kopyahin ang iyong wallet.dat file habang ang TWINS Core ay bukas. Palaging gamitin ang File > Backup Wallet menu kung ang wallet ay bukas.
Kapag pinili mo ang menu item na ito, lalabas ang dialog box para tukuyin kung saan dapat isa-save ang file. Ipasok ang pangalan ng file, pumili ng lokasyon at i-click ang Save.
Kung hindi gumagana ang TWINS Core, pwede mo ring i-backup ang iyong wallet sa pagkopya ng wallet.dat file sa ibang lokasyon. Ang file na ito ay nasa folder ng twin data. Binigyan ka ng pagpipilian para tukuyin ang lokasyon ng folder na ito sa panahon ng pag-iinstall, ngunit bilang default ang folder ay nasa mga sumusunod na lokasyon sa iba't ibang mga operating system:
Windows
Pwede mong ma-access ang folder na ito nang direkta sa pamamagitan ng Windows Key + R at isulat ang %APPDATA%\twins
Linux
Pwede mong ma-access ang folder na ito nang direkta sa pagsusulat ng cd ~/.twins
sa terminal o ~/.twins
sa path bar gamit ang Go > Enter Location… menu item sa Files
macOS
Pwede mong ma-access ang folder na ito sa pagsusulat ng cd ~/Library/Application Support/twins
sa terminal o ~/Library/Application Support/twins
sa dialog sa Go > Go To Folder menu item sa Finder
Tiyaking hindi gumagana ang TWINS Core, pagkatapos ay kopyahin lamang ang wallet.dat file mula sa folder na ito sa iba pang folder sa normal na paraan para sa iyong operating system.
Ingatan ang backup ng iyong wallet file sa usb drive sa lokasyong malayo mula sa iyong computer.
Para ibalik ang backup, i-install ang TWINS Core sa target na sistema (o itigil ito, kung na-install na) at palitan ang pangalan ng umiiral na wallet.dat file sa twins folder patungo sa wallet.old
Pagkatapos ay kopyahin ang backup wallet file sa twins data folder at tiyakin na ito ay pinangalanang wallet.dat. Ngayon, kapag sinimulan mo muli ang TWINS Core, gagawa ito ng bagong wallet. Huwag palitan ang wallet.dat habang ang TWINS Core ay tumatakbo, dahil ito ay magreresulta sa korapsyon ng datos.