Ang Pag-iinstall sa Macintosh
Last updated
Last updated
Ito ang gabay sa pag-install ng wallet ng TWINS para sa Macintosh.
Pwede mong i-download ang wallet mula sa https://win.win/#download
HUWAG gumamit ng anumang iba pang mga lokasyon ng pag-download na hindi garantiyahang makakakuha ng malinis na wallet na hindi pa napapakialaman.
I-mount ang na-download na .dmg file na naglalaman ng TWINS wallet sa pamamagitan ng pag-double-click nito.
Ang Twins-CORE device ay lalabas sa sidebar ng Finder at magbubukas ang window. Kung hindi ito bumukas, i-doubleclick ang Twins-CORE device.
I-DRAG ang aplikasyon ng Twins CORE sa folder ng aplikasyon para iinstall ito.
I-navigate ang grupo ng mga Aplikasyon sa sidebar ng Finder at hanapin ang aplikasyon ng TWINS-Qt.
I-RIGHT-CLICK ang aplikasyon ng TWINS-Qt at piliin ang “Open” para patakbuhin ang wallet.
Ang pag-double-click sa aplikasyon ng TWINS-Qt para patakbuhin ito ay HINDI GAGANA, dahil ang file ay mula sa hindi kilalang pinagmulan.
Sa unang pagkakataon na inilunsad ang programa, tatanungin ka kung saan mo gustong iimbak ang iyong datos ng blockchain at wallet. Pumili ng lokasyong may sapat na libreng puwang habang ang mga file ay pwedeng tumanggap ng maraming espasyo habang lumalaki ang blockchain. Inirerekomenda na gamitin ang default data folder kung pwede.
Ang paunang pagsisimula ay pwedeng tumagal ng minuto at kapag nagsimula na, maghintay sa wallet na maging ganap na synchronize bago simulan ang paggamit nito.
Kapag kumpleto na ang pag-synchronize, makikita mo ang maliit na berdeng icon na lilitaw sa kanang sulok sa ibaba sa iyong wallet: