Ang Manu-manong Pag-setup ng Masternode
Pag-set up ng TWINS masternode sa VPS server nang manu-mano.
Last updated
Pag-set up ng TWINS masternode sa VPS server nang manu-mano.
Last updated
Ang gabay na ito ay para sa pag-set up ng TWINS masternode, sa Ubuntu 16.04/18.04 64bit server (VPS) at kontrolado mula sa wallet sa iyong lokal na kompyuter (Lokal na wallet). Ang wallet sa VPS ay tutukuyin bilang Remote wallet.
1,000,000 TWINS
Pangunahing kompyuter (Ang iyong personal na kompyuter) - Tatakbo ito sa Lokal na wallet, hawakan ang iyong collateral 1,000,000 TWINS at pwede i-on at i-off nang hindi naaapektuhan ang masternode.
Masternode Server na tumatakbo sa Ubuntu 16.04/18.04 (VPS - Ang computer na bukas nang 24/7 at pinapatakbo ang Remote wallet). Kinakailangan ng minimum na spec para sa VPS: 1GB RAM, 20 GB drive, at isang static IPV4 Address.
I-download, i-install at i-sync ang iyong TWINS wallet sa iyong lokal na computer. Ito ay mula ngayon ay tinutukoy bilang ang Lokal na Wallet sa gabay na ito. Matatagpuan ang mga link ng Wallet dito: https://win.win/#download o https://github.com/NewCapital/TWINS-Core/releases
Ngayon sa lokal na wallet, ipasok ang debug console sa pagpunta sa (Tools> Debug console) at isulat ang sumusunod na command:
Ang command na ito ay gagawa ng iyong <Masternode Private Key>. I-save ang Key na ito, gagamitin namin ito mamaya.
Ngayon sa lokal na wallet pa rin, ipasok ang sumusunod na command sa debug console:
Ito ay gagawa ng wallet address at <Pangalan ng Masternode> para sa iyong masternode. I-save ito dahil kailangan namin ito mamaya.
Magpadala ng 1,000,000 TWINS sa address na ginawa sa nakaraang hakbang. Kapag pinindot mo ang Send button, kakalkulahin ng wallet ang tamang bayad sa transaksyon. I-click ang Yes sa dialog box na sumusunod at magpatuloy sa susunod na hakbang.
MAHALAGA: Sa kahon ng Halaga, isulat nang EKSATO ang 1,000,000. Ang solong transaksyon ay nagsasabi sa blockchain, ang address na iyong pinapadala ay masternode. Kung nagsulat ka nang higit/mababa sa 1,000,000, o subukang hatiin ang pagbabayad sa dalawang transaksyon hindi mo magagawang magpatuloy sa susunod na hakbang.
Maging ganap na 100% sigurado na ito ay nakopya ng tama. At pagkatapos ay suriin muli ito. Hindi kami makakatulong sa iyo, kung nagpapadala ka ng 1,000,000 TWINS sa maling address
Gamit ang iyong lokal na wallet, hintayin ang 16 na kumpirmasyon, at pagkatapos ay ipasok ang debug console (toolbar: Tools> Debug Console) at isulat ang sumusunod na command:
Ipapakita nito ang <ID ng Transaksyon> na sinusundan ng <Output Index> . I-save ito sa Notepad. (Ito ay ang patunay ng transaksyon ng pagpapadala ng 1,000,000 TWINS)
Sa toolbar ng lokal na wallet, i-click ang Tools> Open Masternode Configuration File para buksan ang masternode.conf at idagdag ang sumusunod na linya na may angkop na impormasyon:
I-save ang file. Para sa sanggunian tingnan ang sample format sa ibaba at ang mga screenshot.
Para i-install muna ang wallet, mag-log in ka sa iyong VPS gamit ang iyong SSH client. Pagkatapos na mag-log in, isulat ang mga sumusunod na command sa iyong VPS terminal.
Pumunta sa iyong home directory sa pamamagitan ng pagsulat ng: cd ~
Mula sa iyong home directory, i-download ang pinakabagong bersyon mula sa TWINS GitHub repository sa pamamagitan ng pagsulat ng:
I-unzip at i-extract ang na-download na file sa pamamagitan ng paggamit ng sumusunod na command:
Kung ito ang unang beses na pinatakbo ang wallet sa VPS, kakailanganin mong subukang simulan ang wallet ./twinsd
.Gagawin nito ang twins.conf config files sa iyong ~/.twins data directory.
Ngayon pindutin ang CTRL+C
para lumabas/patigilin ang wallet pagkatapos ay magpatuloy sa susunod na hakbang.
Ngayon ay bumalik na muli sa home directory sa pamamagitan ng pagsulat ng: cd ~
Ngayon pumunta sa Twins data directory sa pamamagitan ng pagsulat ng: cd ~/.twins
Buksan ang twins.conf sa pamamagitan ng pagsulat ng: vi twins.conf
Pagkatapos ay pindutin ang “ i ” button para pumunta sa insert mode at gawin ang config na tulad ng ganito:
Tiyaking palitan ang rpcuser at rpcpassword sa iyong sarili.
Para lumabas sa editor pindutin ang esc
pagkatapos :wq!
pagkatapos ay pindutin ang Enter
Ngayon, kailangan mong simulan sa wakas ang mga bagay na ito sa ayos na ito
Simula ang daemon client sa VPS (Remote wallet). Sa iyong home directory pwede mong simulan ang wallet daemon sa pamamagitan ng pagsulat ng: ./twinsd
Para i-activate ang iyong masternode sa iyong lokal na wallet, pumasok sa debug console (toolbar: Tools> Debug Console) at isulat ang sumusunod na command:
Kung saan ang <mymnalias> ay ang pangalan ng iyong alyas ng masternode (walang mga bracket).
Dapat lumitaw ang mga sumusunod:“overall” : “Successfully started 1 masternodes, failed to start 0, total 1”,
“detail” : [
{
“alias” : “<mymnalias>”,
“result” : “successful”,
“error” : “”
}
Ngayon bumalik sa VPS (remote wallet), simulan ang masternode sa pamamagitan ng: ./twins-cli startmasternode local false
Ang mensaheng “masternode successfully started” ay dapat lumitaw.
Gamitin ang sumusunod na command para suriin ang katayuan: ./twins-cli masternode status
Dapat kang makakita ng tulad ng ganito:{
“txhash” : “334545645643534534324238908f36ff4456454dfffff51311”,
“outputidx” : 0,
“netaddr” : “45.11.111.111:37817”,
“addr” : “WmXhHCV6PjXjxJdSXPeC8e4PrY8qTQMBFg”,
“status” : 4,
“message” : “Masternode successfully started”
}
Para gawin ito, kopyahin ang iyong masternode wallet address mula sa iyong terminal window sa pamamagitan ng pagpili nito ng iyong mouse (WmXhHCV6PjXjxJdSXPeC8e4PrY8qTQMBFg
sa halimbawa sa itaas), bisitahin ang seksyon ng masternode ng TWINS explorer, at i-paste ito sa kanang ibaba ng kahon sa paghahanap para mahanap ang iyong masternode.
Ang iyong katayuan ng masternode ay dapat makita bilang "ACTIVE".
Pagkatapos simulan ang masternode, ang mga katayuan nito ay magbabago sa mga sumusunod na order:
"ACTIVE" --> sa 2 - 3 na oras pagkatapos simulan ito
"EXPIRED" --> Ito ay sa loob lamang ng ilang minuto
"REMOVED" --> sa loob lamang ng ilang minuto
"ENABLED" --> Sa kalaunan, ang masternode ay mananatili sa katayuang ito at ang oras ng "Active" ay magsisimulang tumataas.
TANDAAN: kung ang kalagayan ng masternode ay "MISSING" sa iyong lokal na wallet, suriin ang katayuan nito sa masternode explorer, pwedeng ito ay NA-EXPIRE/INALIS doon na kung saan ay ayos lang.
Huwag kang mawalan ng pasensya! Ang unang gantimpala ng masternode ay tumatagal ng 2x o 3x na mas matagal kaysa sa mga regular na gantimpala sa ibang pagkakataon. Kung sisimulan mo muli ang masternode mula sa wallet, ang timer na ito ay magre-reset sa zero.
Iyon ang tungkol dito. Binabati kita! Matagumpay mong nagawa ang iyong masternode.