Paano Mag-setup ng VPS mula sa Aruba
Para bumili ng VPS sa Aruba, unang bisitahin ang kanilang pangunahing page.
I-click ang banner na nagsasabing "Cloud VPS, from 2.79€ / month":
Sa susunod na pahina, mag-scroll sa ibaba, at piliin ang pinakamura "€2.79+VAT/month" plan sa pamamagitan ng pag-click sa berdeng "Start now" button:
Dadalhin ka sa page kung saan pipiliin mo ang halagang gusto mong bayaran.
I-click ang "Continue" pagkatapos na ipasok ang gustong halaga.
Dadalhin ka sa page kung saan mo pupunan ang iyong mga personal na detalye.
Punan ang iyong mga personal na detalye at i-click ang "CONFIRM" sa ibaba ng page kapag tapos ka na.
Pagkatapos ay dadalhin ka sa page ng buod ng Order kung saan makikita mo ang pangwakas na halaga na may idinagdag na VAT:
Lagyan ng tsek ang parehong kahon at pindutin ang "Continue" para pumunta sa page ng Pagbabayad:
Piliin ang iyong gustong paraan ng pagbabayad at magbayad. Pwede kang magpatuloy sa lugar ng mamimili pagkatapos:
I-click ang Cloud tab para pumunta sa seksyon kung saan mo gagawa at i-configure ang iyong VPS server:
TANDAAN: ang teksto sa pulang kahon "AWI-XXXXXX" (ang XXXXXX ay magkakasunud na mga numero) ay ang iyong username para sa Control panel kung saan mo ise-set up ang iyong VPS.
Ang password sa Control panel ay ipinadala sa iyo sa text message sa iyong telepono.
I-click ang "GO TO THE CONTROL PANEL" button at dadalhin ka sa Control panel login page:
Ipasok ang iyong mga detalye sa pag-login sa Control panel at i-click ang "SIGN IN". Dadalhin ka sa page kung saan pwede kang pumili ng rehiyon ng iyong VPS.
Pumili ng rehiyon mula sa minarkahang hilera at i-click ito:
Ngayon i-click ang "CREATE NEW SERVER" button para simulan ang pag-configure ng iyong VPS server:
Dadalhin ka sa server configuration page.
Una, pumili sa opsyon ng SMART. Pagkatapos ay ipasok ang iyong gustong pangalan ng VPS, at sa wakas, i-click ang "CHOOSE TEMPLATE".
Pagkatapos mong i-click ang "CHOOSE TEMPLATE" button makikita mo ang window na ito na may listahan ng mga operating system. Mag-scroll pababa sa kaliwang bahagi ng window hanggang makita mo ang Ubuntu Server 16.04 LTS 64bit at i-click ito.
Ang kanang bahagi ng window ay magpapakita na ngayon ng mga detalye ng iyong napiling operating system:
TANDAAN: Surrin kung icon na naka-pointed out sa larawan sa itaas ay berde. Ipinahiwatig nito ang IPv6 compatibility na KAILANGAN mo para magpatakbo ng maramihang masternode.
I-click ang "CHOOSE THIS TEMPLATE" para tapusin ang iyong pagpili ng operating system. Ikaw ay ibabalik sa server configuration page.
Ngayon na bumalik ka na sa page, lagyan ng tsek ang kahon sa tabi ng teksto na "Configure also a public IPv6 address". Ito ay napakahalaga dahil ito ay gumawa ng pag-configure sa natitirang mga IPv6 address na kailangan mas simple.
Magpatuloy sa pamamagitan ng pagpasok ng iyong piniling password ng server sa mga patlang na minarkahan sa ibaba.
HUWAG KALIMUTAN ANG IYONG PASSWORD. I-SAVE ITO SA ISANG LUGAR DAHIL HINDI KA MAKAKAPAG-LOG IN SA IYONG SERVER NANG WALA ITO.
Tandaan din na ang username para sa iyong server ay "root" (walang mga quote).
Ngayon piliin ang "Small" hardware configuration.
Panghuli, i-click ang "CREATE CLOUD SERVER" para tapusin ang pag-setup at gumawa ng iyong VPS:
Dadalhin ka sa iyong server overview. Dito makikita mo ang VPS server na iyong ginawa:
Ang pinakamahalagang bahagi ng impormasyon dito ay ang iyong server IP.
I-save ang iyong server IP dahil kakailanganin mo ito para ma-access ang iyong server!
Binabati kita! Mayroon ka na ngayong sariling VPS sa Aruba hosting platform.
Last updated